Ama
Ano ang mga responsibilidad ng isang ama?
Deu 6:6, 7; Efe 6:4; 1Ti 5:8; Heb 12:9, 10
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 22:2; 24:1-4—Mahal na mahal ni Abraham si Isaac; talagang tiniyak niya na mananamba ni Jehova ang mapapangasawa ng anak niya
Mat 13:55; Mar 6:3—Tinawag si Jesus na “anak ng karpintero” at nakilala rin siya bilang “karpintero”; masasabi nating tinuruan siya ni Jose ng trabahong iyon
Bakit dapat mahalin at igalang ang mga ama?
Tingnan din ang Mat 6:9
Halimbawa sa Bibliya:
Os 11:1, 4—Malaki ang pagpapahalaga ni Jehova sa papel ng isang ama dahil itinuring niya ang sarili niya bilang isang Ama. Gaya ng isang mapagmahal na Ama sa mga anak niya, tinuturuan at pinapangalagaan ni Jehova ang bayan niya
Luc 15:11-32—Malaki ang pagpapahalaga ni Jesus sa papel ng isang ama dahil ginamit niya ang ilustrasyong ito para ipakitang gaya ng isang mapagmahal na Ama, pinapatawad ni Jehova ang mga nagsisisi