Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman


Kung paano ka makikinabang sa mga araling ito sa Bibliya

Kung paano ka makikinabang sa mga araling ito sa Bibliya

Mag-aral kasama ng isang magtuturo sa iyo: Sabihin sa taong nagbigay sa iyo ng brosyur na ito na mag-aral kayo ng Bibliya, o mag-request ng pag-aaral sa Bibliya sa aming website na jw.org/tl.

UNANG BAHAGI

Basahin ang bawat parapo, pati na ang mga tanong na naka-bold o makakapal ang letra (A) at ang mga teksto (B) na nagpapakita ng mga pangunahing punto. Pansinin na ang mga tekstong may markang “basahin” ay dapat basahin nang malakas.

GITNANG BAHAGI

Makikita sa introduksiyon sa ilalim ng Pag-aralan (C) ang mga tatalakayin. Makikita naman sa mga subtitulo nito (D) ang mga pangunahing punto. Basahin ang mga teksto, sagutin ang mga tanong, at panoorin ang mga video (E).

Tingnan ang mga matututuhan sa mga larawan at caption (F), at pag-isipan ang isasagot sa May Nagsasabi (G).

HULING BAHAGI

Makikita sa Sumaryo at Ano ang Natutuhan Mo? (H) ang kabuoan ng aralin. Ilagay ang petsa kung kailan mo natapos ang aralin. Makikita sa Subukan Ito (I) ang mga puwede mong gawin. Makikita naman sa Tingnan Din (J) ang iba pang impormasyon na puwede mong basahin o panoorin.

Kung paano maghahanap ng mga teksto sa Bibliya

Makikita sa mga teksto ang pangalan ng aklat ng Bibliya (A), ang kabanata (B), at ang talata o mga talata (C). Halimbawa, ang Juan 17:3 ay tumutukoy sa aklat ng Juan, kabanata 17, talata 3.