Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?
Ang mundo ba ay . . .
-
mananatiling ganito?
-
lalala?
-
bubuti?
ANG SABI NG BIBLIYA
“Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot. Ang dating mga bagay ay lumipas na.”—Apocalipsis 21:4, Bagong Sanlibutang Salin.
ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?
Magkakaroon ka ng makabuluhan at kasiya-siyang trabaho.—Isaias 65:21-23.
Hindi ka na magkakasakit o magdurusa.—Isaias 25:8; 33:24.
Mabubuhay ka nang maligaya at walang hanggan kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan.—Awit 37:11, 29.
MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?
Oo, sa dalawang dahilan:
-
Kayang tuparin ng Diyos ang pangako niya. Sa Bibliya, ang Diyos na Jehova lang ang tinatawag na “Makapangyarihan-sa-Lahat,” dahil walang limitasyon ang kaniyang kapangyarihan. (Apocalipsis 15:3) Kaya magagawa niyang tuparin ang kaniyang pangako na baguhin ang kalagayan ng mundo. Gaya nga ng sinasabi ng Bibliya, “sa Diyos ay posible ang lahat ng bagay.”—Mateo 19:26.
-
Gustong tuparin ng Diyos ang pangako niya. Halimbawa, sabik si Jehova na buhaying muli ang mga namatay.—Job 14:14, 15.
Mababasa rin sa Bibliya na ang Anak ng Diyos, si Jesus, ay nagpagaling ng maysakit. Bakit? Dahil gusto niyang gawin iyon. (Marcos 1:40, 41) Tulad ng kaniyang Ama, gustong tulungan ni Jesus ang mga nangangailangan. —Juan 5:19.
Kaya nakasisiguro tayong gusto ni Jehova at ni Jesus na tulungan tayong magkaroon ng maligayang kinabukasan!—Awit 72:12-14; 145:16; 2 Pedro 3:9.
PAG-ISIPAN ITO
Paano mapapabuti ng Diyos ang kalagayan ng mundo?
Sinasagot iyan ng Bibliya sa MATEO 6:9, 10 at DANIEL 2:44.