Handa Na ba Akong Makipag-date?
KABANATA 1
Handa Na ba Akong Makipag-date?
“Kabi-kabila ang panggigipit na makipag-date ako. Kabi-kabila rin ang mga guwapo.”—Whitney.
“Kung minsan, mga babae na ang nag-aaya sa akin na makipag-date, at gusto ko naman. Pero magpaalam man ako sa mga magulang ko, alam kong hindi sila papayag.”—Phillip.
MASARAP ang pakiramdam na makasama ang isa na gustung-gusto mo—at may gusto rin sa iyo. Napakatindi ng damdaming ito kahit sa mga kabataan. “Onse anyos pa lamang ako, gusto ko nang makipag-date,” ang naaalaala ni Jenifer. Ganito naman ang sabi ni Brittany: “Sa paaralan, parang hindi ka normal kapag hindi ka nakikipag-date!”
Kumusta ka naman? Handa ka na bang makipag-date? Upang masagot mo iyan, kailangan muna nating pag-usapan ang mas simpleng tanong:
Ano ba ang “Pakikipag-date”?
Markahan ang iyong sagot sa sumusunod na mga tanong:
Palagi kang lumalabas kasama ang isang di-kasekso. Pakikipag-date ba iyon?
□ Oo
□ Hindi
Ikaw at ang isang di-kasekso ay may gusto sa isa’t isa. Ilang ulit sa maghapon kayo kung mag-text at magtawagan sa telepono. Pakikipag-date ba iyon?
□ Oo
□ Hindi
Tuwing nagsasama-sama kayong magkakaibigan, iyon at iyon ding di-kasekso ang lagi mong kapareha. Pakikipag-date ba iyon?
□ Oo
□ Hindi
Malamang na madali mong nasagot ang unang tanong. Pero baka nag-isip ka muna bago mo nasagot ang ikalawa at ikatlong tanong. Ano ba talaga ang pakikipag-date? Ang totoo, kapag ang dalawang taong nagkakagustuhan ay gumugugol ng panahon sa isa’t isa, matatawag itong pakikipag-date. Kaya ang sagot sa tatlong tanong sa itaas ay oo. Magkausap man kayo nang harapan o sa telepono, nang hayag o patago, kung ikaw at ang iyong kaibigan na di-kasekso ay may unawaan sa isa’t isa at laging may komunikasyon, pakikipag-date ito. Handa ka na bang makipag-date? May tatlong tanong na kailangan mong suriin para malaman mo ang sagot.
Bakit Mo Gustong Makipag-date?
Sa maraming kultura, ang pagdi-date ay itinuturing na angkop na paraan para magkakilalang mabuti ang dalawang tao. Pero dapat na maging malinis ang intensiyon sa pagdi-date—para matulungan ang isang binata at isang dalaga na malaman kung gusto nilang pak asalan ang isa’t isa.
Totoo, maaaring hindi seryosohin ng ilan sa mga kaedad mo ang pakikipag-date. Baka nasisiyahan lamang silang makasama ang isang di-kasekso na natitipuhan nila kahit na wala naman
silang intensiyong pakasalan ito. Baka nakikipag-date pa nga ang ilan para may maidispley lang sa ibang tao at lumakas ang kumpiyansa nila sa sarili. Ngunit kadalasan na, hindi nagtatagal ang gayong mababaw na relasyon. “Maraming kabataang nagdi-date ang nagkakahiwalay makalipas lamang ang isa o dalawang linggo,” ang sabi ng dalagang si Heather. “Itinuturing nilang pansamantala lamang ang mga relasyon—na parang inihahanda lamang sila sa pagdidiborsiyo sa halip na sa pag-aasawa.”Maliwanag, kapag nagdi-date ang dalawang tao, nasasangkot ang damdamin. Kaya tiyaking malinis ang iyong intensiyon sa pakikipag-date. Pag-isipan: Papayag ka bang paglaruan ng iba ang iyong damdamin—gaya ng isang bata na matapos paglaruan ang isang bagay ay basta na lamang ito iiwanan? Isang kabataan na nagngangalang Chelsea ang nagsabi: “Kung minsan ay naiisip ko na laro lamang ang pakikipag-date, pero hindi na ito laro kapag sineseryoso ito ng isa pero ‘yung isa naman ay hindi.”
Bakit, Ilang Taon Ka Na Ba?
Sa palagay mo, anong edad angkop nang makipag-date ang isang kabataan? ․․․․․
Ngayon, itanong mo rin ito sa isa sa mga magulang mo o sa kanilang dalawa mismo, at isulat mo ang sagot nila. ․․․․․
Malamang na ang unang isinulat mo ay mas mababa kaysa sa ikalawa. O puwede ring hindi! Baka isa ka sa maraming kabataan na hindi muna nakikipag-date hanggang sa nasa tamang edad na
sila para makilala nila nang higit ang kanilang sarili. Iyan ang ipinasiyang gawin ni Danielle, 17 anyos. Sinabi niya: “Ang hinahanap ko ngayong katangian sa isang mapapangasawa ay ibang-iba kung ihahambing sa hinahanap ko dalawang taon na ang nakalilipas. Ang totoo, nagdududa pa rin ako hanggang ngayon kung kaya ko na bang gumawa ng gayong desisyon. Kapag nakita kong hindi na pabagu-bago ang isip ko sa susunod na ilang taon, maaari ko na sigurong pag-isipan ang pakikipag-date.”May isa pang dahilan kung bakit isang katalinuhang maghintay. Ginamit ng Bibliya ang pananalitang “kasibulan ng kabataan” para ilarawan ang yugto sa buhay ng isang tao kung kailan tumitindi ang pagkagusto ng isang kabataan sa kaniyang di-kasekso. (1 Corinto 7:36) Kung bata ka pa pero masyado ka nang malapít sa isang di-kasekso, maaaring mag-alab ang iyong pagnanasa at humantong ito sa maling paggawi. Totoo, baka bale-wala lamang ito sa mga kaedad mo. Marami sa kanila ang gustung-gustong masubukang makipag-sex. Pero kaya mong daigin ang ganiyang kaisipan! (Roma 12:2) Sa katunayan, hinihimok ka ng Bibliya na “tumakas sa seksuwal na imoralidad.” (1 Corinto 6:18, New International Version) Kung palilipasin mo muna ang kasibulan ng iyong kabataan, ‘malalayo ka sa kapahamakan.’—Eclesiastes 11:10.
Handa Ka Na Bang Mag-asawa?
Para matulungan kang masagot ang tanong sa itaas, suriin mo ang iyong sarili. Pag-isipan ang sumusunod:
Kaugnayan sa iba. Paano mo pinakikitunguhan ang iyong mga magulang at mga kapatid? Madalas ka bang mawalan ng Efeso 4:31.
pasensiya sa kanila, marahil nakapagsasalita ka nang magaspang o nakasasakit para lamang masabi mo ang opinyon mo? Ano kaya ang masasabi nila tungkol sa iyo sa bagay na ito? Tandaan, kung paano mo pinakikitunguhan ang iyong mga kapamilya, malamang na gayundin ang maging pakikitungo mo sa iyong magiging asawa.—Basahin angDisposisyon. Positibo ba ang iyong pananaw sa buhay o negatibo? Makatuwiran ka ba o lagi mong iginigiit ang gusto mo? Kalmado ka pa rin ba kahit sa harap ng maiigting na situwasyon? Pasensiyoso ka ba? Ang paglinang ngayon sa mga bunga ng espiritu ng Diyos ay makatutulong sa iyo na maghanda upang maging mabuti kang asawa sa hinaharap.—Basahin ang Galacia 5:22, 23.
Pananalapi. Gaano ka kahusay humawak ng pera? Lagi ka bang may utang? Tumatagal ka ba sa isang trabaho? Kung hindi, bakit? Dahil ba sa trabaho? sa amo? O dahil may kinagawian o ugali kang dapat mong baguhin? Kung hindi ka marunong humawak ng sarili mong pera, paano pa kaya kung may pamilya ka na?—Basahin ang 1 Timoteo 5:8.
Espirituwalidad. Kung isa kang Saksi ni Jehova, ano ang ginagawa mo para maingatan mo ang iyong mabuting kaugnayan sa Diyos? Nagkukusa ka bang magbasa ng Bibliya at makibahagi sa ministeryo gayundin sa Kristiyanong pagpupulong? Dapat na may matibay kang espirituwalidad para maging karapat-dapat ka sa mapapangasawa mo.—Basahin ang Eclesiastes 4:9, 10.
Kung Ano ang Magagawa Mo
Kapag nakikipag-date ka na kahit hindi ka pa handa, para kang kumukuha ng final exam sa isang kurso na halos wala ka pang alam. Hindi nga makatuwiran iyan! Kailangan mo ng panahon para mag-aral na mabuti upang maging pamilyar ka sa mga tanong o problema na mapapaharap sa iyo sa eksamen.
Ganiyan din sa pakikipag-date. Gaya ng nakita na natin, seryosong bagay ang pakikipag-date. Kaya bago mo itutok ang iyong pansin sa isang tao, kailangan mo ng panahon para pag-aralan ang isang napakahalagang bagay—kung paano makipagkaibigan. Sa dakong huli, kapag natagpuan mo na ang isa na magiging mabuting asawa, mas alam mo na kung paano patitibayin ang inyong relasyon. Tutal, ang matagumpay na pag-aasawa ay pagsasama ng dalawang mabuting magkaibigan.
Ang paghihintay hanggang sa maging handa ka na at nasa tamang edad na para makipag-date ay hindi naman makahahadlang Eclesiastes 11:9) At may panahon ka para ihanda ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagpapasulong sa iyong personalidad at, higit sa lahat, sa iyong kaugnayan sa Diyos.—Panaghoy 3:27.
sa iyong kalayaan. Sa katunayan, magbibigay ito sa iyo ng higit na kalayaan na ‘magsaya sa iyong kabataan.’ (Samantala, puwede ka namang masiyahan sa pakikisama sa mga di-kasekso. Ano ang pinakamabuting paraan para magawa mo ito? Maganda kung gagawin mo ito kasama ng isang grupo na binubuo ng mga lalaki’t babae at responsableng mga adulto. Isang dalagita na nagngangalang Tammy ang nagsabi: “Sa palagay ko mas masaya kapag ganoon. Mas maraming kaibigan, mas maganda.” Sumasang-ayon si Monica. “Magandang ideya ang magsama-sama sa isang grupo,” ang sabi niya, “dahil nakakasalamuha mo ang mga tao na may iba’t ibang personalidad.”
Sa kabaligtaran, kung itutuon mo ang iyong pansin sa isang tao nang wala ka pa sa tamang edad, mas malamang na masaktan ka lamang. Kaya huwag kang magmadali. Gamitin ang yugtong ito ng iyong buhay upang magkaroon ng mabubuting kaibigan. Sa kalaunan, kapag gusto mo nang makipag-date, mas kilala mo na ang iyong sarili, at mas alam mo na kung ano ang hahanapin mo sa isang makakapareha sa buhay.
MARAMI KA PANG MABABASA TUNGKOL SA PAKSANG ITO SA TOMO 1, KABANATA 29 AT 30
Natutukso ka bang makipag-date nang hindi ipinaaalam sa iyong mga magulang? Mas maraming panganib sa paggawa nito kaysa sa inaakala mo.
TEMANG TEKSTO
“Pinag-iisipan ng matalino ang kaniyang mga hakbang.”—Kawikaan 14:15.
TIP
Kung may balak ka nang makipag-date at naiisip mo nang mag-asawa, basahin ang 2 Pedro 1:5-7 at pumili ng isang katangian na kailangan mong pasulungin. Makalipas ang isang buwan, tingnan mo kung gaano karami na ang natutuhan mo—at napasulong mo—hinggil sa katangiang iyan.
ALAM MO BA . . . ?
Ipinakikita ng maraming pagsasaliksik na ang mga nagsisipag-asawa nang wala pang 20 anyos ay malamang na mag- diborsiyo sa loob ng limang taon.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Ang mga katangiang kailangan kong pasulungin kung gusto ko nang mag-asawa ay: ․․․․․
Mapasusulong ko ang mga katangiang ito sa pamamagitan ng: ․․․․․
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay: ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Sa anong angkop na mga pagkakataon ka maaaring makisalamuha sa mga di-kasekso?
● Ano ang sasabihin mo sa kapatid mo na napakabata pa pero gusto nang makipag-date?
● Kung nakikipag-date ka sa isang tao pero wala ka namang intensiyong mag-asawa, paano makaaapekto iyan sa damdamin niya?
[Blurb sa pahina 18]
“Makipag-date ka lamang sa isang tao kung talagang may pagtingin ka sa kaniya at kung sa tingin mo ay may patutunguhan ang inyong relasyon. Ang mahalaga sa iyo ay ang tao, at hindi lang basta ang pakikipag-date.”—Amber
[Larawan sa pahina 16, 17]
Kung nakikipag-date ka nang wala namang intensiyong mag-asawa, para kang isang bata na matapos paglaruan ang isang bagay ay basta na lamang ito iiwanan