Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

2016 Taunang Teksto

“Magpatuloy nawa ang inyong pag-ibig na pangkapatid.”Hebreo 13:1

2016 Taunang Teksto

“Marami [ang] mapopoot sa isa’t isa. . . . Ang pag-ibig ng nakararami ay lalamig.” (Mat. 24:10, 12) Inihula ng mga pananalitang ito ni Jesus na ang mga tao, bago ang pagkawasak ng Jerusalem noong 70 C.E., ay kakikitaan ng kawalan ng pag-ibig. Pero ang mga alagad ni Kristo ay makikilala sa pag-ibig na ipinakikita nila. (Juan 13:35) Tiyak na napatibay ang mga Kristiyanong Hebreo sa Jerusalem nang mabasa nila ang sinabi ni Pablo tungkol sa kanilang pag-ibig na pangkapatid at ang paghimok niya na patuloy nilang ipakita ito!

Hindi na magtatagal, mapupuksa na ang sistemang ito ni Satanas. Gaya ng ating mga kapatid noong unang siglo, namumuhay tayo sa gitna ng mga taong maibigin sa salapi, kaluguran, at sa kanilang sarili pero walang pag-ibig sa Diyos o sa kapuwa. (2 Tim. 3:1-4) Ibang-iba kaysa rito, ang pag-ibig na pangkapatid ng mga Saksi ni Jehova ay kitang-kita sa buong mundo. Purihin nawa natin si Jehova, ang mismong personipikasyon ng pag-ibig, sa pamamagitan ng patuloy na pagpapakita ng pag-ibig na pangkapatid.