Pangangaral at Pagtuturo sa Buong Lupa
Pangangaral at Pagtuturo sa Buong Lupa
APRIKA
LUPAIN 57
POPULASYON 827,387,930
MAMAMAHAYAG 1,086,653
PAG-AARAL SA BIBLIYA 2,027,124
Côte d’Ivoire
Ang mga naninirahan sa Bianouan, isang nayon sa silangan ng bansa, ay uhaw sa katotohanan. Alas seis pa lamang ng umaga, bago sila magtrabaho sa bukid, ginigising na ng ilan sa kanila ang mga mamamahayag para pag-usapan ang Bibliya. Hinihiling naman ng iba na mag-aral sila ng Bibliya sa gabi pagkatapos ng mga pulong sa kongregasyon. Minsan, isang babaing hindi marunong bumasa ang nakiusap sa isang brother na bigyan siya ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sinabi niyang ang asawa niya ang magbabasa nito para sa kaniya. Binigyan siya ng brother ng aklat at dinalaw siya nito kinabukasan. Ang babae at ang kaniyang asawa ay matiyagang naghihintay sa brother. Hindi na nagtrabaho sa bukid ang asawang lalaki dahil magdamag nilang binasa ang aklat. Gusto ngayon ng lalaki na pag-usapan nila ng brother ang nabasa niya. Napasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya sa mag-asawang ito.
Benin
Isang malaking pamilya na nakatira sa isang liblib na lugar ang nagsimulang mag-aral ng Bibliya. Ang ama ng tahanan ay pastor sa isang tradisyonal na simbahan. Dalawang linggo pa lamang pagkatapos ng unang pag-aaral, tinanggap na ng buong pamilya ang paanyaya sa kanila na dumalo sa pandistritong kombensiyon. Pero noong Sabado ng gabi, biglang nagkasakit ang panganay na anak na babae at namatay. Sa kabila ng masaklap na pangyayaring ito, dumalo pa rin ang ama sa sesyon noong Linggo. Kinabukasan, araw ng Lunes, ganito ang sinabi ng ama tungkol sa pagkamatay ng kaniyang anak, “Kagagawan ito ni Satanas para panghinaan kami ng loob, pero hindi susuko ang pamilya ko.” Inilabas niyang lahat ang mga gamit niya sa simbahan: Gawa 19:19. Mahusay ang pagsulong ng pamilyang ito.
sutana, putong, sinturon, banal na langis, at tungkod. Gayundin ang ginawa ng kaniyang asawa na may katungkulan din sa simbahang iyon. “Tinatapos na namin ang aming kaugnayan sa simbahang ito,” ang sabi ng pastor. Pagkatapos, sinunog niya ang lahat ng ito sa harap ng mga tao, gaya ng pangyayaring nasaMadagascar
Noong 2006, sa isang nayon na mga 500 ang naninirahan, isang mángangarál ang nakatanggap ng aklat na Itinuturo ng Bibliya mula sa isang Saksi na nakatira sa ibang nayon. Matapos niya itong basahing mabuti, nakumbinsi ang mángangarál na ito na ang katotohanan, at ibinahagi niya sa mga miyembro ng kaniyang simbahan ang mga natutuhan niya. Di-nagtagal, siya at ang kaniyang pamilya, pati na ang 20 iba pa, ay nagbitiw sa kanilang simbahan at nagsimulang magdaos ng mga pulong, gaya ng ginagawa ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. May dumating na mga special pioneer upang tumulong sa kanila. Nagdaos sila ng mga pag-aaral sa Bibliya sa maraming interesadong tao at nagsaayos din ng regular na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat at Pag-aaral ng Bantayan. Noong Oktubre, lima ang naging di-bautisadong mamamahayag, at ngayon ay isinaayos na rin ng mga payunir na magkaroon doon ng Pulong Pangmadla at Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Mga 40 ang dumadalo sa mga pulong, at mahigit 20 pag-aaral sa Bibliya ang idinaraos nila.
Timog Aprika
Isang araw, nangangaral sa bahay-bahay si Hennie at ang misis niya. Habang naglalakad sila sa gilid ng isang bakod, isang mabagsik na aso ang sumungaw sa pagitan ng mga rehas at kinagat ang kamay ni Hennie. Matindi ang pagdurugo ng sugat, kaya dali-dali silang umuwi. Nilinis at binendahan ng misis niya ang sugat, at pagkatapos ay nagpaiskedyul si Hennie na magpatingin sa doktor. Sinabi ni Hennie sa kaniyang misis na hindi niya hahayaang isang aso lamang ang hahadlang sa paglilingkod niya sa larangan, kaya makalipas ang humigit-kumulang sa isang oras, bumalik sila sa teritoryo. Pagdating doon, nilampasan nila ang bahay kung saan siya nakagat ng aso at itinuloy nila ang pangangaral sa kasunod na bahay. Pagkatapos nilang madalaw ang ilang bahay, isang lalaki ang nagpatulóy sa kanila. Matamang nakinig ang lalaki at gustung-gusto niyang madalaw siyang muli. Napasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya, at di-nagtagal, regular na siyang dumadalo sa mga pulong. Nang magbitiw siya sa Dutch Reformed Church, dinalaw siya ng isang may katungkulan sa simbahang iyon at inalok siyang maging diyakono. Gayunman, nanatili siyang matatag sa kaniyang pasiya na humiwalay sa kaniyang dating simbahan. Mahusay ang kaniyang pagsulong at nakapagpatala na rin siya sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
Tanzania
Sa isang kampanya ng pangangaral sa liblib na mga teritoryo noong Oktubre 2005, siyam na kapatid mula sa Kongregasyon ng Iringa ang nagtungo sa Pawaga na mga 75 kilometro ang layo. Nabalitaan nilang isang brother ang nakatira sa lugar na iyon, at siya lamang ang nag-iisang Saksi roon, kaya hinanap nila siya. Matapos magtanung-tanong, natagpuan nila ang brother, na nagsabi sa kanila na mahigit 20 taon na siyang nakatira doon, sa pag-aakalang ipinagbabawal pa rin ang gawaing pang-Kaharian sa Tanzania. Sa nakalipas na mga taóng iyon, nakapagpatotoo siya sa iba at ayon sa kaniya, may ilan na talagang interesado sa mensahe ng Bibliya. Nagboluntaryo ang mga kapatid mula sa Kongregasyon ng Iringa na manatili ng dalawang linggo sa Pawaga sa tuwing pupunta sila roon para matulungan ang mga interesado. Noong 2006, dalawang regular pioneer ang lumipat doon para asikasuhin ang mabungang teritoryong iyon. Natulungan din nilang maging malakas sa espirituwal ang dating nag-iisang brother doon, at ang maliit na grupo ay may siyam na mamamahayag na ngayon. Sa ngayon, sa ilalim ng punungkahoy sila
nagpupulong, subalit may mga plano na para magtayo ng isang maliit na dakong pulungan, gamit ang mga materyales na matatagpuan sa lugar na iyon.Rwanda
Isang kabataang babae na nagngangalang Gentille ang naging tanyag dahil sa galíng niyang makaiskor sa larong soccer. Binansagan siyang Manayibitego, na sa wikang Kinyarwanda ay nangangahulugan na itinuturing siyang diyos dahil sa husay niyang makapuntos. Napansin ng ilang Italyano ang kaniyang galíng kaya binigyan siya ng karagdagang pagsasanay. Pagkatapos, inanyayahan nila siyang maglaro ng soccer sa Italya. Isang napakagandang oportunidad ang iniaalok sa kaniya—ang tumira sa Europa at maging tanyag sa buong daigdig bilang manlalaro ng soccer. Subalit alam ni Gentille na kapag tinanggap niya ang alok, kailangan niyang iwan ang kaniyang pamilya. Ang nanay niya ay isang Saksi, at nakapag-aral din naman si Gentille ng Bibliya, kaya lang hindi niya iyon sineryoso. Ang paglalaro ng soccer ang pinakamahalaga sa buhay niya. Ipinakipag-usap ni Gentille sa kaniyang ina ang bagay na ito at napag-isip-isip niyang manganganib ang kaniyang espirituwalidad. Ipinasiya niyang tanggihan ang alok at unahin ang kapakanan ng Kaharian sa kaniyang buhay. Nabautismuhan siya sa isang asamblea kamakailan.
MGA LUPAIN SA AMERIKA
LUPAIN 55
POPULASYON 893,357,181
MAMAMAHAYAG 3,367,544
PAG-AARAL SA BIBLIYA 3,236,692
Curaçao
Minsan, nang pumunta ang isang brother sa kaniyang inaaralan sa Bibliya, iniabot nito sa kaniya ang isang bala ng baril at tinanong siya kung ano ito. Pagkatapos ay ipinaliwanag ng lalaki na bago siya nasumpungan ng brother, ilang buwan na niyang binabalak magpakamatay dahil nawalan siya ng trabaho at iniwan siya ng kaniyang pamilya. Dahil gustung-gusto niyang maghiganti, nagdesisyon siyang patayin ang apat na tao na inaakala niyang may kagagawan ng kaniyang mga problema. Nilagyan niya ng apat na bala ang kaniyang baril at nagtira ng isa pa sa kaniyang bulsa sakaling kailanganin niyang magpatiwakal. Pero bago umalis ng bahay, ipinasiya niyang humingi ng tulong sa Diyos. Binuksan niya ang kaniyang telebisyon, at naghanap ng istasyon na may programa tungkol sa relihiyon. Nang sandaling iyon, dalawang Saksi ang kumatok sa kaniyang pinto, at nang maglaon ay napasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya. Itinapon ng lalaki ang apat na bala, pero nakalimutan niya ang ikalima. Ito ang ipinakita niya sa brother, saka ikinuwento ang nangyari, at sinabi na talagang nagbago ang kaniyang buhay mula nang mag-aral siya ng Bibliya. Binanggit niya na utang ng limang tao ang kanilang buhay sa mga Saksi ni Jehova. Dumadalo na siya ngayon sa mga pulong sa kongregasyon.
Uruguay
Pinatuloy ng isang babae sa kaniyang tahanan ang dalawang Saksi. Lumuluha niyang ikinuwento sa kanila na magdamag siyang nagdarasal sa Diyos, nagsusumamo na ipaalam sa kaniya ang Kaniyang kalooban. Dinalaw siya kamakailan
ng mga pastor sa kanilang simbahan, pero para lamang kunin ang ikapu ng malaki-laking halaga ng salapi na natanggap niya. Nadismaya siya dahil hindi man lamang siya nadalaw ng mga ito sa ibang pagkakataon, kahit pa nga nang humingi siya ng tulong noong may problema siya. Mahigit isang buwan na siyang hindi nagsisimba. Nang dakong huli, sinabi niya sa isa sa mga pastor na pakiramdam niya’y nalinlang siya ng kanilang mga nagkakasalungatang turo. Gayunman, sa halip na linawin ang mga puntong ito, sinabi sa kaniya ng pastor na pitong beses siyang susumpain dahil iniwan niya ang kanilang simbahan. Ipinaliwanag sa kaniya ng mga brother na ginagamit ng tunay na Diyos ang kaniyang mga anghel upang masumpungan ang mga taong naghahanap ng katotohanan. Maraming tanong ang babae, at agad napasimulan ang isang pag-aaral sa aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Di-nagtagal, sumama na rin ang kaniyang asawa sa pag-aaral, at pareho silang dumalo sa Memoryal at sa espesyal na pahayag. Humanga sila sa husay ng pagtuturo sa Kingdom Hall at hindi sila makapaniwala na walang nangongolekta ng pera doon. Patuloy ang kanilang pagsulong at marami silang naging kaibigan sa kongregasyon.Chile
Ang pag-aaral sa Bibliya na maituturing na nasa pinakatimog na bahagi ng daigdig ay idinaraos sa isang babae na nakatira sa malayong teritoryo ng Cape Horn. Asawa siya ng isang tagapagbantay ng parola sa liblib na lugar na iyon. Noong nasa Punta Arenas pa ang babaing ito, apat na linggo siyang nakipag-aral ng Bibliya sa isang kapatid na auxiliary pioneer hanggang sa lumipat ang babae sa Cape Horn. Mula noon, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa pamamagitan ng telepono. Mahusay ang kaniyang pagsulong.
Costa Rica
Sa bansang ito nakatira ang mga 10,000 Guaymi Indian, na karamihan ay nasa Sixaola, isang maliit na bayan malapit sa border ng Panama. Marami-rami sa mga katutubong ito ang talagang interesadong matuto tungkol sa Bibliya. Para matulungan ang mga ito, isang mag-asawang special pioneer ang inatasang mangaral sa teritoryong ito. Pinag-aralan nila ang wikang Guaymi. Marami silang nagawa sa tulong ng 26 na kapatid na Guaymi. Sa kauna-unahang pagkakataon, naidaos ang Memoryal sa wikang Guaymi, at nakatutuwa na 264 ang dumalo. Mula noon, patuloy sa pagdami ang bilang ng dumadalo. Halimbawa, isang grupo sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat na may 13 mamamahayag ang dinadaluhan noong una nang humigit-kumulang sa 20. Sa ngayon, umabot na ito sa 40. Bilang resulta, dalawa pang grupo sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ang binuo.
Panama
Si Ramiro, isang guro sa edukasyong pangkatawan, ay nagsimulang makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova noong 2004. Nang panahong iyon, 12 oras lamang bawat linggo ang ginugugol niya sa pagtuturo sa anim na klase na nakaatas sa kaniya, samantalang 24 na oras ang hinihiling sa isang guro. Kaya sinabihan siya ng direktor ng paaralan na gamitin ang mga bakanteng oras upang turuan tungkol sa relihiyon ang anim na klaseng iyon. “Basta pag-usapan ninyo ang tungkol sa Diyos, kay Jesus, at sa Bibliya,” ang sabi ng direktor. Itinuro ni Ramiro ang kaniyang mga natututuhan. Nang taóng iyon, nakapagturo siya sa 150 estudyanteng nasa edad 12 hanggang 14, gamit ang aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan. Noong sumunod na taon, nang
ilabas ang publikasyong Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, sumulong na si Ramiro at naging isang di-bautisadong mamamahayag. Patuloy pa rin niyang tinuturuan ang kaniyang mga klase, pero ang aklat na Itinuturo ng Bibliya na ang ginagamit niya ngayon. Umabot na ng 160 ang kaniyang estudyante, na nahahati pa rin sa anim na klase. Ang resulta? Nakikipag-aral na ng Bibliya kay Ramiro at sa iba pang mga mamamahayag sa kongregasyon ang ilan sa mga estudyanteng ito. Nagpapasalamat kay Ramiro ang ilan sa mga magulang ng mga estudyante dahil sa magandang pagbabago sa paggawi ng kanilang mga anak. Dumalo pa nga ang ilang magulang sa mga pulong sa kongregasyon at maging sa ating mga asamblea. Si Ramiro naman ay nabautismuhan noong Nobyembre 2006 at lubusang sinasamantala ang lahat ng pagkakataon upang ituro ang katotohanan mula sa Bibliya.Guatemala
Sa Lunsod ng Guatemala, isang mamamahayag na nagngangalang Jeremy ang pumunta sa bahay ng isang kabataang tinuturuan niya sa Bibliya. Matatagpuan ang bahay nito sa isang eskinita. Kumatok si Jeremy sa pinto, at lumabas ang ate ng kaniyang tinuturuan para sabihing wala ang kaniyang kapatid. Habang nasa pintuan si Jeremy, dalawang kabataang lalaki ang lumapit sa kaniya. Tinutukan siya ng baril sa ulo ng isa sa mga lalaki, at sinabi, “Binayaran ako para patayin ka.” (Nang maglaon, nalaman ni Jeremy na ito ang sinasabi ng mga magnanakaw para takutin ang kanilang mga biktima.) Ikinuwento ni Jeremy: “Isinara ng babae ang pinto, at tinanong ko
ang mga lalaki, ‘Ano’ng kailangan n’yo sa akin?’ Isa sa kanila ang nagsabi, ‘Ano’ng ginagawa mo rito?’ Binanggit ko sa kanila na nangangaral ako ng Salita ni Jehova. Pagalit niyang sinabi, ‘Sabihin mo sa akin ang mensaheng iyan!’ Kinakabahan ako noon at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Binuksan ko ang aking bag at inilabas ang Bibliya. Nang sandaling iyon, umiyak ang may hawak ng baril dahil alam niyang masama ang mga ginagawa niya. Nakiusap siya sa akin na tulungan ko siya. Hinalughog niya ang aking bag at kinuha ang magasing Gumising! na may paksa tungkol sa salapi. Pagkatapos, kinapkapan naman ako ng kaniyang kasama, at hinanap ang aking pitaka, pero sinabi sa kaniya ng may hawak ng baril: ‘Pabayaan mo na siya. Huwag mo na siyang kapkapan.’ Nagpasalamat siya sa akin, niyakap ako, at saka sila umalis. Nang wala na sila, nakahinga ako nang maluwag, at nagpasalamat ako kay Jehova sa pagliligtas niya sa akin mula sa pangyayaring iyon.”Dominican Republic
Isang sister na dentista ang dumalo sa isang-araw na seminar tungkol sa pag-aayos ng ngipin. Binigyan ng oportunidad ang mahigit 250 dentistang dumalo na makapag-aplay sa isang napakamahal na kurso sa Europa upang magpakadalubhasa sa kanilang propesyon, pero walo lamang sa kanila ang pipiliin. Sa pagtatapos ng seminar, sinabi sa sister na isa siya sa mga napili para mag-aral ng kursong iyon. Bukod pa riyan, libre din ang kaniyang pag-aaral. Nagulat ang sister, at sinabi niya: “Nagpapasalamat po ako dahil napili ninyo ako, pero hindi naman po ako nag-aplay. Hindi ko po matatanggap ang napakagandang alok na iyan. Bilang isang Saksi ni Jehova, priyoridad ko po ang espirituwal na kapakanan ng aking pamilya. Kung tatanggapin ko ang kurso, kailangan ko pong pagbutihin ang pag-aaral dahil mahirap ito, pero ayoko pong mapabayaan ang aming limang lingguhang pagpupulong. Kung matapos ko ang pagsasanay at makakuha ng digri, magiging maligaya kaya ako kung pagbalik ko naman, gumagamit na ng droga ang dalawa kong tin-edyer na anak na lalaki at masasama na ang mga ugali nila dahil nawalay ako sa kanila?”
ASIA AT GITNANG SILANGAN
LUPAIN 47
POPULASYON 3,993,686,009
MAMAMAHAYAG 607,112
PAG-AARAL SA BIBLIYA 496,577
Israel
Napansin ni Ella, isang kabataang auxiliary pioneer, ang isang may-edad nang babae na hirap na hirap sa pagbibitbit ng isang supot ng basura. Tinulungan siya ni Ella at sandaling nagpatotoo sa kaniya. Ibinigay ng babae kay Ella ang kaniyang adres, pero kahit paulit-ulit na dumadalaw si Ella, hindi niya ito nakakausap. Sa wakas, nakausap din niya ang babae sa bahay nito. Mahina pala ang pandinig ng babae kaya hindi niya naririnig si Ella kapag kumakatok ito. Napasimulan ang isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Bagaman noong una ay hindi naniniwala sa Diyos ang babae, unti-unting sumidhi ang kaniyang pagpapahalaga sa Diyos at sa Kaniyang Salita. Makalipas ang dalawang taon, inialay niya ang kaniyang buhay kay Jehova at nabautismuhan kamakailan sa edad na 92.
Mongolia
Ginugol ni Terbish, isang matandang babae, ang kaniyang buong buhay sa pagtatrabaho sa isang tindahan ng aklat. Minsan, dinalaw siya ng 18-anyos na si Munkhzaya, isang sister na payunir. Sinabi sa kaniya ni Terbish na dahil napakarami na niyang nabasang aklat, madali na niyang maintindihan ang kahit anong aklat, basahin man niya ito mula sa simula, sa gitna, o sa dulo. Pero iba ang Bibliya. Paulit-ulit man niya itong basahin, hindi pa rin niya ito maintindihan. At kahit nagsisimba siya, hindi ito nakatulong para maunawaan niya ang Bibliya. Kaya nag-aral na lamang siyang mag-isa at gumawa ng nota sa bawat teksto. Partikular nang interesado si Terbish sa kahulugan ng Hebreo 11:6, kaya ipinaliwanag ito sa kaniya ni Munkhzaya. Inalok din niya ito ng pag-aaral sa Bibliya, at inimbitahan sa Kingdom Hall. Nang malaman ni Terbish kung nasaan ang Kingdom Hall, sinabi niya: “Iyon ba ’yong gusaling may magagandang bulaklak sa labas? Tuwing dumaraan ako roon, humihinto ako para pagmasdan ang mga bulaklak. Puwede mo ba akong ipakilala sa nag-aalaga ng mga iyon?” Malugod itong ginawa ni Munkhzaya. Sa ngayon, tuwang-tuwa si Terbish sa mga natututuhan niya tungkol sa Maylalang at dumadalo na siya sa mga pagpupulong. Sinabi ni Munkhzaya, “Matagal nang nakapangaral ang mga bulaklak na iyon sa babaing ito bago pa ako nakapagpatotoo sa kaniya.”
Hapon
Dahil nananakit na ang kaniyang mga binti, hindi na makapagpatotoo gaya nang dati ang 78-anyos na si Hiroko. Kaya nanalangin siya sa Diyos para sa patnubay. Pagkatapos, nakakita siya ng mataong hintuan ng bus kung saan maaari siyang maupo nang 30 minuto sa bawat pagpunta niya roon. Ngumingiti siya sa mga tao at nagpapakita ng interes sa kanila. May malapit na ospital doon, kaya kapag may dalang gamot ang mga tao, kinukumusta niya ang kanilang kalusugan. Kapag tinitingnan naman ng mga tao ang iskedyul ng pagdating ng bus, tinutulungan niya sila, at sa mga hindi pamilyar sa lugar na iyon, ipinaliliwanag niya ang magagandang lugar doon. Nakikinig siya kapag may sinasabi sila, at pagkatapos ay inaalok sila ng mga magasin. Madalas niyang nakakausap ang ilan sa mga tao roon, kaya nakagagawa siya ng mga pagdalaw-muli.
Myanmar
Si Lazaru ay isang dating ismagler ng droga. Bahagi na ng buhay niya noon ang droga, pagpatay, at ang lahat ng uri ng bisyo. Gayunman, nang ipakita ng isang sister na payunir mula sa Bibliya na Jehova ang pangalan ng Diyos, natanto agad ni Lazaru ang katotohanan at pumayag na makipag-aral ng Bibliya. Nagtagal ang kaniyang pag-aaral ng Bibliya, pero tuluy-tuloy naman
ang kaniyang pagsulong. Ang pinakamahirap na hakbang na ginawa niya ay ang lubusang baguhin ang kaniyang pamumuhay. Nang sabihin niya sa kaniyang mga kasamahan na iiwan na niya sila, natakot ang mga ito dahil napakarami niyang alam sa kanilang pagpupuslit ng droga. Bagaman may ilang taong binayaran para patayin si Lazaru, natakasan niya silang lahat. Nang maglaon, lumipat siya sa ibang lugar, at nabautismuhan siya at ang kaniyang asawa.Taiwan
Sandaling huminto ang ilang mamamahayag sa labas ng isang kapihan na may kakaibang pangalan—Kapihan ng Aklat ng Ezra. Sa kagustuhang malaman kung bakit ganoon ang pangalan ng kapihan, tinanong ng isa sa mga mamamahayag ang may-ari nito. Sinabi ng may-ari na matagal na niyang hinahangaan ang sigasig ni Ezra sa tunay na pagsamba. Sa loob ng maraming taon, laging nagsisimba ang may-ari, pero huminto na siya kamakailan dahil hindi maintindihan ng kaniyang asawang Vietnamese ang mga sermon sa simbahan. Sinabi ng mamamahayag na babalik siya dala ang isang Bibliyang Vietnamese at tuwang-tuwa nila itong tinanggap nang hapon ding iyon. Napasimulan ang isang pag-aaral sa buong pamilya.
India
Sa isang bayan kung saan may matinding pagsalansang sa gawaing pagpapatotoo, limang sister ang nabilanggo nang apat na araw dahil sa pangangaral. Noong una, masungit sa kanila ang warden at pinagbawalan silang mangaral tungkol sa Kristiyanismo sa loob ng bilangguan. Pero paglipas ng mga araw, napansin ng warden na mahinahon at maibigin ang mga sister, kaya nagbago ang kaniyang pakikitungo sa kanila. Binibigyan ng mga sister ang warden at ang ibang mga bilanggo ng mga prutas at pagkain na dinadala sa kanila ng mga kapatid. Isang gabi, narinig ng warden ang pag-uusap ng mga sister tungkol sa ilang punto mula sa aklat na Maging Malapít kay Jehova. Di-nagtagal, nakisali na rin siya sa kanilang pag-uusap habang nakaupo sa harap ng kanilang selda. Nang araw na palayain ang mga sister sa bilangguan, namatayan ng kamag-anak ang warden. Inaliw siya ng mga sister sa pamamagitan ng pag-asang pagkabuhay-muli.
Bago nito, isa pang warden ang nagtanong kung bakit sila nakulong. Ipinaliwanag ng isa sa mga sister na marami ang nag-aakala na ang kanilang pangangaral ay ilegal na pangungumberte ng mga tao sa ibang relihiyon. Dahil napahanga sa kaniyang narinig, sinabi ng warden: “Kahit nakakulong kayo, mahinahon pa rin kayong magsalita. Samantalang ako, maigsi ang pasensiya ko, nahihiya tuloy ako sa inyo. Sabihan n’yo ako kapag masakit akong magsalita, at turuan n’yo akong magsalitang gaya n’yo. Hindi ko maintindihan kung bakit nabibilanggo ang mabubuting taong gaya n’yo.” Basta may libre siyang oras, pinupuntahan niya ang mga sister at sinasabi: “Turuan pa ninyo ako nang higit tungkol sa Bibliya. Talagang nakakagaan ito ng pakiramdam.” Humanga rin sa mensahe ng Bibliya ang dalawang bilanggo na may kasong pagpatay. Maingat na nagpatotoo ang mga sister sa kanila at sa iba pang bilanggo. Ngayong malaya na ang mga sister, humahanap sila ng angkop na mga paraan para masubaybayan ang interesadong mga tao na nakausap nila noong nasa bilangguan pa sila.
Indonesia
Katatapos lamang maglingkod sa larangan ni Resmawati, isang special pioneer, at pauwi na siya nang anyayahan siya ng isang babae sa bahay nito para pag-usapan ang Bibliya. Bumalik si Resmawati pagkaraan ng tatlong araw. Sa pagkakataong iyon, umiyak ang babae at ikinuwento ang tungkol Hebreo 4:12 at ipinaliwanag sa babae na kayang baguhin ng Bibliya ang maraming bagay. Ikinuwento niya ang karanasan ni Tony na nasa 2003 Calendar of Jehovah’s Witnesses. Naging interesado ang babae at humingi ng kopya ng kalendaryong iyon. Nang muling dumalaw si Resmawati, dinala niya ang kalendaryo. Sinimulan nilang pag-aralan ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Pagbalik ni Resmawati, nagtanong ang asawa ng babae kung puwede siyang sumali sa pag-aaral. Nabasa rin niya ang karanasan ni Tony sa kalendaryo at lubha siyang naantig dito. Nagkataon namang Tony rin ang pangalan ng asawa ng babae, at kapareho niya ng saloobin at ugali ang Tony na nasa kalendaryo bago ito natuto ng katotohanan. Nang mabasa niya ang karanasan sa kalendaryo, sinabi niya sa kaniyang asawa at mga anak: “Pangalan ko ’yan ah! Paano nalaman ng mángangarál ang pangalan ko at naisulat ang tungkol sa akin?” Sumagot ang asawa niya: “Hindi alam ng mga Saksi ang pangalan mo. At kahit na alam pa nila, hindi nila ito agad-agad mailalagay sa kalendaryo, tiyak na hindi ngayong 2007, lalong hindi noong 2003!” Nang mapansin ng babae na biglang nagkaroon ng interes ang kaniyang asawa, mataktika niya itong tinanong, “Gusto mo bang maging tulad ni Tony na nasa kalendaryo?” Ang nakagugulat na sagot ng asawa ay, “Gusto kong subukan.” Tulad ni Tony na nasa kalendaryo, binago rin ni Tony na taga-Indonesia ang kaniyang paraan ng pamumuhay, ginupit ang kaniyang mahabang buhok, at inayos ang kaniyang hitsura. Patuloy sa pag-aaral ng Bibliya ang buong pamilya.
sa mapang-abuso niyang asawa. Binasa ni Resmawati angMalaysia
Sa ilang bahagi ng Borneo, ginagamit ng mga kapatid ang nakikita sa Internet na mga larawang kuha ng satelayt para matagpuan ang mga bahay. Sinabi nila sa kanilang ulat: “Nakakatulong ito sa amin para makita ang mga bahay sa maulang-kagubatan. Ang ilan sa inaakala naming mga bubungan ng bahay ay mga kulungan pala ng kambing, kaya nagkakatawanan kami tungkol sa pangangaral sa mga ‘kambing.’ Pero ang ilan sa mga bubungan ay talagang bahay ng mga tao. Hindi pa kami nakakapangaral sa bulubunduking teritoryong ito. Dahil masukal ang kagubatan, mahirap makita ang mga daan, kaya naman malaking tulong sa amin ang mga larawang kuha ng satelayt para makita namin kung saan kami dadaan.”
EUROPA
LUPAIN 47
POPULASYON 732,610,687
MAMAMAHAYAG 1,533,790
PAG-AARAL SA BIBLIYA 749,911
Hungary
Isang 12-anyos na sister ang nagsabi: “Siyam na buwan na po ang lumipas mula nang ako ay mabautismuhan, at ngayon ay tatlong buwan na akong naglilingkod bilang auxiliary pioneer. Malaking tulong po sa akin ang nanay ko. Marami nga ang nagtatanong kung paano ko napagsasabay ang pagpapayunir at ang pag-aaral, pero sa tingin ko po kung hindi ako pumapasok sa paaralan, mahihirapan akong gawin ang aking ministeryo. Ginagamit ko kasi ang libreng oras ko sa eskuwelahan para makapagpatotoo. Regular ko pong nakakausap tungkol sa Bibliya ang lima sa aking mga kaeskuwela. Dalawa naman ang tinuturuan ko sa Bibliya. Kaya damang-dama ko ang pagpapala ni Jehova. Para sa akin, hindi po pabigat ang pagpapayunir kundi pinagmumulan ng kaligayahan. Regular pioneer ang nanay ko, at gusto kong maging tulad niya. Gusto ko pong maglingkod kay Jehova nang buong panahon.”
Britanya
Nagsimulang mag-aral ng Bibliya si Susan noong 2001 at ipinagpatuloy niya ito sa loob ng mga dalawang taon. Nang panahong iyon, hirap na hirap siyang tumigil sa paninigarilyo. Maraming beses na niyang sinubukang huminto, pero nabigo siya. Dahil dito, tumigil siya sa pag-aaral bagaman patuloy pa rin siyang dumadalo sa mga pulong sa kongregasyon. Makalipas ang apat na taon, nadama ni Susan na kailangan niyang magsikap para sumulong sa espirituwal. Kaya naman humingi siya ng tulong sa kongregasyon. Muli siyang nakipag-aral, at nakatulong sa kaniya ang impormasyon mula sa aklat na Maging Malapít kay Jehova. Malaki ang naging epekto sa kaniyang buhay ng detalyadong pagtalakay hinggil sa pag-ibig ni Jehova sa atin at kung paano natin ito
maipakikita sa kaniya. Sa loob lamang ng walong buwan, lubusan niyang naihinto ang paninigarilyo. Nadama ni Susan na natulungan siya ng pag-aaral sa publikasyong iyon na matutong magtiwala kay Jehova. Sumulong siya, nag-alay ng kaniyang buhay kay Jehova at sinagisagan iyon sa pamamagitan ng bautismo sa tubig sa “Sundan ang Kristo!” na Pandistritong Kombensiyon.Estonia
Si Helgi, isang 17-anyos na estudyante at namumuhay nang bukod sa kaniyang nagdiborsiyong mga magulang, ay nagkaroon ng interes sa katotohanan at nagsimulang mag-aral ng Bibliya. Noong una, madalas na hindi siya nakakadalo sa mga pulong dahil malaking panahon ang ginugugol niya sa pagkanta kasama ng isang banda sa kanilang lugar. Habang sumisidhi ang pagpapahalaga niya sa katotohanan, sinimulan niyang baguhin ang kaniyang pamumuhay. Ipinaliwanag niya sa mga miyembro ng kaniyang banda kung bakit hindi siya puwedeng kumanta sa mga gabing may pulong. Nagpatala na rin siya sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo at sumulong tungo sa pagiging isang di-bautisadong mamamahayag. Sumali siya sa isang pambansang paligsahan sa pag-awit kung saan ang mananalo ay bibigyan ng
kontrata sa isang kilalang recording company. Bagaman marami ang hindi pumasa sa unang yugto ng paligsahan, nagustuhan agad ng mga hurado si Helgi at nakapasok siya sa sumunod na bahagi ng kompetisyon. Nagkataon namang kasabay nito ang kaniyang kauna-unahang bahagi sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Ano kaya ang gagawin niya? Iminungkahi ng kaniyang ina, na hindi Saksi ni Jehova, na kanselahin na lamang ang bahagi niya o kaya’y ipabago ang iskedyul nito. Sinabi ni Helgi na hindi lamang ang paghaharap niya ng kaniyang bahagi ang isyu, kundi kung ano ang mas mahalaga sa kaniyang buhay, ang espirituwal ba o ang pisikal na mga bagay. Pinag-isipan niya itong mabuti at nagpasiyang gampanan ang kaniyang bahagi sa halip na pumunta sa paligsahan. Iginalang naman ng nanay niya ang kaniyang desisyon.Nang maglaon, isang reporter sa telebisyon ang dumalo sa “Sundan ang Kristo!” na Pandistritong Kombensiyon upang makapag-ulat tungkol sa kombensiyon at sa bautismo. Nang makita niya si Helgi na patungo sa dakong pagbabautismuhan, kinunan niya ito ng video at pagkaraan ay kinapanayam. Nasa balita ito nang gabing iyon. Ipinakita roon ang video ni Helgi habang kumakanta sa unang yugto ng kompetisyon. Nagtapos ang report habang ipinakikita ang bautismo ni Helgi at masayang-masaya niyang sinabi: “Ito ang pinakamagandang desisyon na ginawa ko sa buhay ko.”
Bulgaria
Si Ivelin, na nakakulong sa bilangguan sa Belene, ay sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa bansang ito, na ganito ang sinasabi: “Habang nakabilanggo ako rito, nakakita ako ng isang magasing Bantayan, kaya marami akong nais na itanong sa inyo. Pinagsisihan ko na ang aking mga kasalanan at gusto ko nang lubusang baguhin ang pagkatao ko. Mayroon akong gustong hilingin sa inyo pero baka mahirapan kayong gawin ito, at sa palagay ko’y imposible itong mangyari. Maaari ba ninyo akong sulatan upang matuto ako tungkol sa Diyos na Jehova? Hindi ko alam kung sasagutin ninyo ang sulat ko, pero maligaya na ako dahil nakilala ko si Jehova. Gusto ko pang matuto nang higit tungkol sa mga bagay na ito, hindi lang para sa akin kundi pati na rin sa ibang mga bilanggo. Huwag n’yo sanang kalilimutan na kung hindi man ninyo ako masulatan, paglaya ko,
ako ang gagawa ng paraan para magkausap tayo!” Agad na tumugon ang mga kapatid upang linangin ang kaniyang interes, at sa kasalukuyan ay nagdaraos sila ng pag-aaral sa sampung bilanggo, kabilang na si Ivelin.Portugal
Si Jana, isang special pioneer, ay naglahad: “Minsan pagkababa ko ng subwey, may nakita akong isang Tsino at ipinasiya kong lapitan siya upang ibahagi sa kaniya ang mabuting balita. Nagulat siya dahil marunong akong magsalita ng wikang Tsino at sinabi niya sa akin na papunta siya sa ospital dahil malapit nang manganak ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng Cesarean. Parehong hindi marunong magsalita ng Portuges ang mag-asawang ito, kaya hiniling sa kanila ng ospital na humanap sila ng interprete. Desperado na siya kaya humingi siya sa akin ng tulong. Kinabukasan, pinagsuot ako ng mga doktor ng damit na ginagamit sa operasyon upang masamahan ko ang babae habang inooperahan siya. Sa buong panahong iyon, hawak-hawak ko ang kaniyang kamay, at marami siyang itinatanong tungkol sa Bibliya at sa ating gawain. Isang magandang sanggol na babae ang isinilang, at gayon na lamang ang pasasalamat ng ina sa pagtulong ko sa kaniya kaya hiniling niya na ako ang magbigay ng pangalan sa kaniyang anak. Sandali akong nag-isip at pinili ko ang pangalang Sara. Nagustuhan naman niya ito at interesadung-interesado siyang matuto nang higit tungkol sa Sara na binabanggit sa Bibliya at sa Diyos na sinasamba nito. Nang makaalis na kami sa ospital, inalok ko sila ng regular na pag-aaral sa Bibliya. Dati, ayaw makipag-usap ng mag-asawang ito sa mga Saksi, subalit dahil sa tulong na tinanggap ng asawang babae sa panahon ng kaniyang operasyon, nagbago agad ang kanilang negatibong pangmalas. Agad nilang tinanggap ang aking alok at ngayon ay dumadalo na sila sa mga pulong.”
Slovakia
Nakilala ng mag-asawang special pioneer ang dalawang kabataang lalaki mula sa Afghanistan. Nagpakita ng interes sa Bibliya ang mga lalaking ito sa panahon ng kanilang maikling pamamalagi sa Slovakia. Ilang beses din silang nakausap ng mga payunir at binigyan sila ng isang Bibliya at ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Ipinakita rin sa kanila ng mga payunir kung paano isinasagawa ang pag-aaral sa Bibliya upang mapag-aralan nila ang Bibliya nang sarilinan o nang may kasama.
OCEANIA
LUPAIN 30
POPULASYON 36,829,259
MAMAMAHAYAG 96,691
PAG-AARAL SA BIBLIYA 51,122
New Zealand
Isang hapon, habang nagbabahay-bahay si Paul, nakausap niya ang isang babae. Nang alukin niya ito ng brosyur, ikinuwento ng babae na kamakailan lamang, sinabihan siya ng isang kamag-anak na kailangan niya ng katotohanan. Nang umaga ring iyon, nagdasal siya sa Diyos gamit ang pangalang Jehova, at hiniling na may dumalaw sa kaniya. “Pagkaraan ng tatlong oras, dumating ako sa bahay niya,” ang sabi ni Paul. “Bukod pa riyan, naabutan ko siya sa bahay sa oras na karaniwang wala siya roon.” Malugod niyang tinanggap ang alok na pantahanang pag-aaral sa Bibliya, at mahusay ang kaniyang pagsulong.
Australia
Naninirahan ang mag-asawang Armando at Elvira sa East Timor, na nasa ilalim ng pangangasiwa ng sangay sa Australia. Noong 2006, palaging sinasalakay ng ibang etnikong grupo ang kanilang pamayanan, kaya napilitan silang lumikas dahil nanganganib ang kanilang buhay. Tumakas sila patungo sa kampo ng mga lumikas na dalawang bagay lamang ang dala-dala—ang Bibliya ni Armando at ang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Nang muling makita nina Armando at Elvira ang mga kapatid, nakipag-aral sila nang dalawang beses sa isang linggo at dumalo na rin sa mga pagpupulong sa kongregasyon. Nagpatotoo rin si Armando sa kaniyang mga kamag-anak na nakatira sa isang maliit na nayon na apat at kalahating oras ang layo mula sa Dili. Nang magpakita ng interes sa mensahe ng Kaharian ang kaniyang pamilya, isinaayos niyang magbiyahe ng isa’t kalahating oras ang mga payunir mula sa Baucau para higit pa silang maturuan. Mahigit 20 katao ang nagtipon para makinig sa
mga payunir. Sinabi ng tagapagsalita ng grupo, ang ama ni Armando, na handa nilang itapon ang kanilang mga imahen, pero itinanong niya kung maiingatan pa rin ba sila mula sa masasamang espiritu kahit wala na ang mga imahen. Tiniyak sa kanila ng mga payunir na talagang tutulungan sila ni Jehova. Kaya itinapon ng grupo ang kanilang mga imahen. Sa ngayon, mahigit 25 katao na sa nayong iyon ang nag-aaral ng Bibliya. Umaasa si Armando na mababautismuhan siya sa lalong madaling panahon, at mahusay rin naman ang pagsulong ni Elvira.Guam
Sa isla ng Saipan, na nasa ilalim ng pangangasiwa ng sangay sa Guam, nasorpresa ang isang sister nang malaman niyang palihim palang binabasa ng kaniyang dating sumasalansang na asawa ang mga publikasyong sadyang iniiwan niya sa mga lugar na madaling makita sa kanilang bahay. Bukod sa mga magasing Bantayan at Gumising!, nabasa na rin ng kaniyang asawa ang ilang Taunang Aklat, at ang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Minsan, ipinatawag niya ang kaniyang asawa at limang anak para daw sa isang “mahalagang pag-uusap ng pamilya.” Pambihira ang ganitong pangyayari. Balak pala ng ama na payuhan ang kaniyang tatlong anak na babae tungkol sa pag-aasawa. Inilista niya sa isang malaking papel ang mga katangiang dapat hanapin sa isang mapapangasawa. Lubhang humanga ang di-sumasampalatayang ama na ito sa talambuhay ni Sheila Winfield da Conceição na nasa Ang Bantayan ng Nobyembre 1, 2006, kaya tulad ni Sheila, inilista rin niya ang mga katangiang dapat hanapin sa isang karapat-dapat na mapangasawa. Pinayuhan niya ang kaniyang mga anak na babae na mag-asawa lamang ng Saksi ni Jehova at humanap ng mapapangasawa na mahal si Jehova at mas maraming alam sa Bibliya kaysa sa kanila. Sinabi niya sa kaniyang mga anak na babae na gusto niyang maranasan nila ang kagalakan na nadama ng sister sa nabasa niyang artikulo sa magasin. Naantig sila sa ginawa ng kanilang ama at umaasa silang balang-araw, makakasama rin nila siya sa paglilingkod kay Jehova.
Samoa
Isang mag-asawa mula sa ibang sangay ang naatasan kamakailan na maglingkod sa Samoa. Sa pinakaunang bahay na napuntahan ng brother sa ministeryo, nag-alok siya ng aklat na Ano
ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Laking gulat niya nang patuluyin siya sa bahay. Gayunman, ang may-bahay, na isang retiradong negosyante, ay huminto sandali at nagsabi, “May 45 minuto lang ako para makipag-usap sa iyo ngayong umaga”—isang tugon na ngayon lamang naranasan ng brother. Kaagad napasimulan ang isang pag-aaral. Nang dumalaw ang brother at ang kaniyang asawa nang sumunod na linggo, malugod silang tinanggap ng babae, habang hawak-hawak ang Bibliya at ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Malaki ang posibilidad na magpatuloy ang pag-aaral.Solomon Islands
Nag-iisang Saksi at regular pioneer si Emily sa kanilang lugar sa isla ng San Cristobal. Nagdaraos siya ng 20 pag-aaral sa Bibliya, at tatlo sa mga inaaralan niya ay mga di-bautisadong mamamahayag na, kabilang na ang kaniyang mga magulang. Nagbakasyon dito ang internasyonal na mga lingkod na sina Lance at Diane, na nagbiyahe pa ng 14 na oras sa isang maliit at punung-punong barkong pangkargamento para lamang matulungan si Emily sa Memoryal. Inilahad ni Lance: “Nang dumating kami, gustung-gusto na sana naming matulog, pero naisip namin na makabubuting dumaan muna kami sa pinuno ng nayon. Matapos ipaliwanag ang layunin ng aming pagdalaw sa kanilang lugar, nagtanong ang pinuno: ‘Marami ang hindi pa nakakatanggap ng imbitasyong ito. Puwede rin ba silang dumalo?’ Tuwang-tuwa naming tiniyak sa kaniya na malugod silang tatanggapin.
“Malapit nang magsimula ang Memoryal, pero dalawang babae at ilang bata pa lamang ang nakaupo. Gayunman, napansin namin na maraming nakatayo malapit sa mga puno, kaya kaagad namin silang nilapitan at inanyayahang pumasok. Nang dumilim na, pinaandar namin ang isang maliit na generator, kaya nagkaroon kami ng ilaw. Matamang nakinig ang lahat sa pahayag sa Memoryal.” Mga 130 ang dumalo, kabilang na ang isang
ministro ng Seventh Day Adventist na gustong magkaroon ng kopya ng Bagong Sanlibutang Salin dahil mas madali raw itong maintindihan kaysa sa Bibliyang ginagamit niya. Sa espesyal na okasyong ito, napasimulan ang limang pag-aaral sa Bibliya.Papua New Guinea
Napakalakas ng impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa dalawang nayon na matatagpuan di-kalayuan sa isang maliit na bayan, kaya mahirap mangaral doon. Dinalaw kamakailan ng mga kapatid ang mga kinatawan ng nayon para ipaliwanag ang ating gawain at ang dahilan kung bakit gusto nating makausap ang lahat ng tao. Nagkataon namang katatapos lamang magpulong ng isang nayon upang pag-usapan kung paano matutulungan ang mga kabataan na maging mas mabuti ang paggawi. Sinabi ng mga kapatid sa mga kinatawan ng nayon na makakatulong ang kaalaman sa Bibliya.
Pinayagan ang ating mga kapatid na hayagang mangaral, at nakapagpasimula sila ng pag-aaral sa ilang kabataang lalaki. Napansin ng mga taganayon na malaki ang naging pagbabago sa paggawi ng mga kabataang ito dahil sa pakikisama nila sa mga Saksi ni Jehova, kaya itinigil na nila ang pagsalansang sa ating gawain. Unti-unti, nakipag-aral na rin ang mga kaibigan at mga magulang ng mga kabataang ito, kabilang na ang anak na babae ng isang katekista, na dating nagbanta sa mga kapatid. Sinabi niya sa kaniyang anak: “Maling-mali ako noon. Sana’y mapatawad ako ng Diyos at ng mga Saksi ni Jehova sa kasalanan ko.” Sa dalawang nayong ito, 27 katao na ang regular na dumadalo sa mga pagpupulong. Mayroon nang apat na nabautismuhan at sila ay nag-o-auxiliary pioneer. Nagpaplano rin silang maging mga regular pioneer.
[Mapa/Larawan sa pahina 48]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
[Larawan]
Parola sa Cape Horn
[Mapa sa pahina 63]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
San Cristobal
[Larawan sa pahina 44]
Pag-aaral ng “Bantayan” sa nayon ng Antanandava, Madagascar
[Larawan sa pahina 46]
Pag-aaral sa aklat na “Itinuturo ng Bibliya” ng grupo sa Pawaga, Tanzania
[Larawan sa pahina 49]
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa Sixaola, Costa Rica
[Larawan sa pahina 50]
Si Ramiro hawak ang aklat na “Itinuturo ng Bibliya”
[Larawan sa pahina 53]
Si Hiroko habang nagpapatotoo sa hintuan ng bus
[Larawan sa pahina 58]
Si Helgi (kanan) habang gumaganap ng kaniyang bahagi sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
[Larawan sa pahina 64]
Sina Lance, Diane, at Emily