Kasunduan sa Paggamit
Welcome!
Ginawa ang website na ito para tulungan kang mas makilala ang Diyos, mas matuto tungkol sa Bibliya, at mas makilala ang mga Saksi ni Jehova. Basahin, panoorin, at i-download ang anumang magustuhan mo. Gusto naming malaman din ng iba ang tungkol sa site namin, pero pakisuyong huwag ilagay ang nilalaman nito sa ibang website o application. Para mai-share ang mga natutuhan mo, puwede mong ituro sa iba ang website na ito gaya ng binabanggit sa Kasunduan sa Paggamit na nasa ibaba.
Copyright
© 2024 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rights reserved.
Ang laman ng website na ito ay inilalathala at minamantini ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc. (“Watchtower”). Malibang iba ang binabanggit, ang lahat ng impormasyong nasa website ay pag-aari ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania (“Watch Tower”).
Mga Trademark
Ang Adobe, logo ng Adobe, Acrobat, at logo ng Acrobat ay mga trademark ng Adobe Systems Incorporated. Ang Apple, iTunes, at iPod ay mga trademark ng Apple Inc. Ang Microsoft, logo ng Microsoft, pati na ang pangalan ng anumang software at produkto ng Microsoft, kasama na ang Microsoft Office at Microsoft Office 365, ay mga trademark ng Microsoft Inc. Ang Android ay trademark ng Google LLC. Ang Android robot ay iginaya o ginawa nang may kaunting pagbabago mula sa ginawa at ibinahagi ng Google, at ginamit ito ayon sa mga kasunduang makikita sa Creative Commons 3.0 Attribution License (https://creativecommons.org/licenses/by/3.0/us/). Ang lahat ng iba pang trademark at rehistradong trademark ay pag-aari ng kani-kanilang holder.
Kasunduan sa Paggamit at Pahintulot sa Paggamit ng Website
Ang mga probisyon nitong Kasunduan sa Paggamit ang gagabay at susundin sa paggamit ng website na ito. Kapag ginamit mo ang website na ito, nangangahulugan na tinatanggap mo ang lahat ng nakasaad dito sa Kasunduan sa Paggamit, kasama ang anumang nasa Additional Terms of Use (sa kabuoan, “Kasunduan sa Paggamit”) na makikita sa website na ito. Kung hindi ka sang-ayon sa Kasunduan sa Paggamit o sa alinmang bahagi nito, hindi mo dapat gamitin ang website.
Ano ang tamang paggamit ng website? Ayon sa mga restriksiyong nakasaad sa ibaba, puwede kang:
-
Mag-view, mag-download, at mag-print ng may copyright ng Watch Tower na mga artwork, elektronikong publikasyon, musika, larawan, text, o video mula sa website para sa iyong personal at hindi komersiyal na paggamit.
-
Mag-share ng link o ng elektronikong kopya ng mga publikasyon, video, o audio program na puwedeng i-download sa site na ito.
Hindi ka puwedeng:
-
Mag-post sa Internet (anumang website, file-sharing site, video-sharing site, o social network) ng anumang artwork, elektronikong publikasyon, trademark, musika, larawan, video, o artikulo mula sa website na ito.
-
Gumamit ng anumang artwork, elektronikong publikasyon, trademark, musika, larawan, text, o video mula sa website na ito kasama o bilang bahagi ng anumang software application (pati na ang pag-a-upload ng mga materyal sa isang server para gamitin ng isang software application).
-
Gumawa ng maraming kopya, mag-duplicate, kumopya, mamahagi, o gumamit ng anumang artwork, elektronikong publikasyon, trademark, musika, larawan, text, o video sa website na ito para sa komersiyal na layunin o kapalit ng pera (kahit pa hindi ka kumita).
-
Gumawa at mamahagi ng anumang software application, tool, o technique na dinisenyo para mangolekta, mangopya, mag-download, mag-extract, mag-harvest, o mag-scrape ng data, HTML, mga larawan, o text mula sa site na ito. (Hindi nito ipinagbabawal ang pamamahagi ng libreng mga application na dinisenyo para mag-download ng elektronikong mga file tulad ng EPUB, PDF, MP3, at MP4 file mula sa public area ng site na ito.)
-
Gumamit ng website o ng mga serbisyo nito sa maling paraan, gaya ng pakikialam sa nilalaman ng, o pag-access sa, website o sa mga serbisyo nito gamit ang mga paraang hindi tuwirang binabanggit dito.
-
Gumamit ng website na ito sa anumang paraan na magdudulot, o puwedeng magdulot, ng pinsala sa website o makahadlang sa paggamit o pag-access sa website; o sa anumang paraan na labag sa batas, ilegal, mapandaya, o nakakapinsala, o may kaugnayan sa anumang layunin o aktibidad na labag sa batas, ilegal, mapandaya, o nakakapinsala.
-
Gumamit ng website na ito o ng anumang artwork, elektronikong publikasyon, trademark, musika, larawan, text, o video nito sa anumang layuning may kaugnayan sa pagbebenta.
-
Gumagamit ang website na ito ng Google Maps services, isang third party service na hindi namin kontrolado. Ang paggamit mo ng Google Maps sa website na ito ay nagpapakitang sang-ayon ka sa Google Maps/Google Earth Additional Terms of Service. Hindi kami naa-update kung may pagbabago sa Terms of Service, kaya pakisuyong rebyuhin muna ito bago gumamit ng Google Maps services. Huwag gumamit ng Google Maps services kung hindi ka sang-ayon sa Terms of Service nito. Ang Google Maps ay hindi nagpapadala ng user data sa website na ito.
Medical Section
Ang laman ng medical section ng website na ito (“Medical Section”) ay para lang sa layuning magbigay ng impormasyon at hindi para magbigay ng payo sa panggagamot, at hindi rin ito pamalit sa propesyonal na payo, diagnosis, o panggagamot. Hindi inirerekomenda ng Medical Section ang anumang test, doktor, produkto, paraan ng panggagamot, opinyon, o iba pa na mababanggit sa seksiyong ito.
Kumonsulta sa doktor o sa ibang kuwalipikadong health-care provider kapag may tanong ka tungkol sa isang medikal na kondisyon o panggagamot.
Sinisikap ng website na ito na maglaan ng tumpak at updated na impormasyon sa Medical Section. Pero hindi dapat ituring na garantiya ang impormasyong makukuha sa Medical Section. Ang website na ito ay hindi responsable sa anumang express o implied warranty na nauugnay sa Medical Section gaya ng, ngunit hindi limitado sa, implied warranty of merchantability at implied warranty of fitness para sa partikular na layunin. Hindi ginagarantiyahan ng website na ito na laging maaasahan, tumpak, napapanahon, kapaki-pakinabang, o kumpleto ang anumang impormasyon mula sa Medical Section. Ang website na ito ay walang pananagutan o responsibilidad sa anumang pagkakamali o pag-aalis sa nilalaman ng Medical Section. Pananagutan ng isa kung gagamitin niya ang anumang impormasyong nasa Medical Section. Ang website na ito ay walang pananagutan sa anumang bintang o pinsala (kabilang na, pero hindi limitado sa, incidental at consequential damage, pagkapinsala/di-sinasadyang pagkamatay ng isa, pagkalugi, o pinsalang dulot ng nawalang data o pansamantalang paghinto ng negosyo) na nagmula sa pagsunod o hindi pagsunod sa Medical Section, iyon man ay nakasalig sa warranty, kontrata, tort, o anumang iba pang legal na teoriya, at alam man o hindi ng website na ito na maaaring may ganitong bintang o pinsala.
Disclaimer of Warranties and Limitation of Liability
Ang website na ito, kasama na ang lahat ng impormasyon, nilalaman, materyal, at iba pang serbisyo nito ay inilaan ng Watchtower batay sa kung ano ito. Ang Watchtower ay hindi nagbibigay ng anumang representation o warranty, express man ito o implied.
Hindi tinitiyak ng Watchtower na ang website ay walang virus o ibang nakakapinsalang bagay. Ang Watchtower ay walang pananagutan sa anumang pinsala mula sa paggamit ng anumang serbisyo, o sa anumang impormasyon, nilalaman, materyal, o ibang serbisyo na available sa website na ito, gaya ng, pero hindi limitado sa direct, indirect, incidental, punitive, at consequential (kasama na ang pagkalugi) damage.
Paglabag sa Kasunduan sa Paggamit
Bukod sa iba pang karapatan ng Watchtower na nakasaad dito sa Kasunduan sa Paggamit, kung lalabag ka dito sa anumang paraan, maaaring gawin ng Watchtower ang anumang angkop na hakbang bilang tugon sa paglabag, kabilang na ang pagsuspinde sa access mo sa website, pagbabawal sa iyo na ma-access ang website, pag-block sa mga computer na gumagamit ng IP address mo para ma-access ang website, pagkontak sa Internet service provider mo para hilingin na hindi mo na ma-access ang website at/o paggawa ng legal na aksiyon laban sa iyo.
Pagbabago
Sa pana-panahon, maaaring rebisahin ng Watchtower ang Kasunduan sa Paggamit. Ang nirebisang Kasunduan sa Paggamit ng website na ito ay magkakabisa simula sa petsa ng paglalabas sa website na ito ng nirebisang Kasunduan sa Paggamit. Pakisuyong regular na tingnan ang page na ito para matiyak na alam mo ang pinakabagong bersiyon.
Batas at Hurisdiksiyon
Ang mga batas ng State of New York, U.S.A. ang gagabay at susundin sa pag-unawa nitong Kasunduan sa Paggamit, kahit pa may mga probisyon sa laws of conflict. Anumang legal na aksiyon kaugnay nitong Kasunduan sa Paggamit ay dadalhin sa pang-estado o pampederal na hukuman na may hurisdiksiyon sa State of New York, U.S.A.
Pagbubukod ng mga Bahagi ng Kasunduan
Kung ideklara ng isang hukumang may hurisdiksiyon na ang isang probisyon ng Kasunduan sa Paggamit ay walang bisa, hindi maipatutupad, o ilegal, ang iba pang probisyon ay mananatiling may bisa. Kung hindi man ipatupad ng Watchtower ang alinman sa mga probisyong ito ng Kasunduan sa Paggamit, hindi nangangahulugan na hindi na nila iyon kailanman ipatutupad o na wala na silang karapatan na ipatupad ang gayong probisyon.
Buong Kasunduan
Ang Kasunduan sa Paggamit na ito ang buong kasunduan sa pagitan mo at ng Watchtower may kinalaman sa iyong paggamit sa website na ito, at humahalili sa lahat ng dating kasunduang kaugnay ng paggamit mo ng website na ito.