OKTUBRE 3, 2024
UNITED STATES
Pininsala ng Bagyong Helene ang Timog-Silangan ng United States
Noong Setyembre 26, 2024, nag-landfall ang napalakas na bagyong Helene sa Gulf Coast ng Florida, U.S.A. Nagdulot ito ng malalakas na buhos ng ulan at pabugso-bugsong hangin na may bilis na hanggang 225 kilometro kada oras. Noong Setyembre 27, binayo naman ng bagyong Helene ang Georgia na may pabugso-bugsong hangin na may bilis na mahigit 95 kilometro kada oras. Kinabukasan, nagpatuloy ito pahilaga sa South Carolina, kung saan nagkaroon ng tatlong buhawi. Nang makarating ito sa North Carolina, umabot nang 90 sentimetro ang tubig sa ilang lunsod doon.
Dahil sa malalakas na hangin at matinding pag-ulan na dala ng bagyong Helene, bumaha at nasira ang mga bahay, negosyo, at kalsada. Nawalan din ng kuryente ang mahigit isang milyong tao. Mga 180 ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Nakakalungkot, tatlong kapatid natin ang namatay
7 kapatid ang nasugatan
1,606 na kapatid ang lumikas
29 na bahay ang nawasak
236 na bahay ang nasira nang husto
779 na bahay ang bahagyang nasira
1 Kingdom Hall ang nasira nang husto
19 na Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief Work
Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan ng bagyo
Bumuo ng 2 Disaster Relief Committee para organisahin ang pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo
Nalulungkot tayo sa mga namatay dahil sa napakalakas na bagyong ito. Pero nakakasumpong tayo ng kaaliwan at kapayapaan sa pangako ni Jehova na sa hinaharap, lahat ng tao, ay “mamumuhay nang panatag at hindi matatakot sa anumang kapahamakan.”—Kawikaan 1:33.