AGOSTO 28, 2020
SOUTH KOREA
Pinakamalalang Pinsala ng Pag-ulan sa South Korea
Lokasyon
South Korea
Sakuna
Sinalanta ang Korea ng pinakamatagal na pag-ulan dahil sa habagat
Ang tuloy-tuloy na pag-ulan ay nagdala ng matinding pagbaha at mga landslide
Epekto sa mga kapatid
16 na mamamahayag ang pansamantalang inilikas
Pinsala sa ari-arian
30 bahay ang nasira
19 na Kingdom Hall ang nasira
Relief work
Bumuo ang sangay sa Korea ng tatlong Disaster Relief Committee (DRC)
Nakikipagtulungan ang mga DRC at tagapangasiwa ng sirkito sa mga elder sa apektadong sirkito para tulungan ang mga kapatid
Patuloy pa rin ang paglilinis at pagre-repair ng mga bahay at mga Kingdom Hall
Karanasan
Sa lunsod ng Gurye, isa sa mga pinakamalalang naapektuhang lugar, iniwan ni Brother Min-seong Lee at ng asawa niya ang lahat ng ari-arian nila para lumikas. Binaha ang bahay nila. Nang puwede nang simulan ang relief work, nilinis ng mga taga-DRC ang bahay nila at nagbigay ng mga kailangan nila. Nagbigay rin sila ng mga emosyonal at espirituwal na suporta sa kanila. Dahil dito, sinabi ni Sister Lee: “Talagang nagpapasalamat ako sa mga kapatid. Napakalaking tulong ng ginawa nila. Inayos at nilinis nila y’ong bahay namin na parang sarili nilang bahay. Maraming nawala sa ’min. Pero ang totoo, mas marami kaming natanggap kaysa sa nawala.”
Nagpapasalamat tayo kay Jehova, “ang Diyos na nagbibigay ng kaaliwan,” dahil sa patuloy niyang pag-alalay sa mga kapatid natin sa Korea sa mahirap na panahong ito.—2 Corinto 1:3, 4.