Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Sina Brother Choi Young-won, Baek Jong-hyun, at Kang Ra-yoon habang nagpapaalam sa mga pamilya nila para gawin ang kanilang alternatibong serbisyong pansibilyan

NOBYEMBRE 23, 2020
SOUTH KOREA

Makasaysayang Pagbabago: Nagbigay ang South Korea ng Alternatibong Serbisyong Pansibilyan

Makasaysayang Pagbabago: Nagbigay ang South Korea ng Alternatibong Serbisyong Pansibilyan

Sa buong kasaysayan ng South Korea, ngayon lang nagbigay ang pamahalaan nito ng alternatibong serbisyong pansibilyan para sa mga tumatangging magsundalo dahil sa konsensiya. Noong Oktubre 26, 2020, 63 kapatid natin ang tumanggap ng alternatibong serbisyong ito. Maglilingkod sila nang tatlong taon sa isa sa dalawang correctional facility. Kasama sa trabaho nila ang pagluluto, pamimili, pagtuturo, pagpapanatili ng kalinisan, at pagmamantini. Ayon sa kasalukuyang mga patakaran, pagkatapos maglingkod nang dalawang buwan ng mga brother, kalahati sa kanila ang puwedeng lumabas ng pasilidad pagkatapos ng trabaho para makadalo sa pulong at makapangaral. Pero kailangan nilang makabalik nang 9 p.m.

Sinabi ni Brother Kim Hyun-soo, isa sa 63: “Kahit na hindi nasusunod ng alternatibong serbisyong ito ang lahat ng internasyonal na patakaran, tinanggap ko pa rin ito kasi wala naman itong kinalaman sa paglilingkod sa militar.”

Nagtitiwala tayo na patuloy na magbibigay ng kapurihan at karangalan kay Jehova ang tapat na mga kabataang brother na ito sa South Korea dahil sa “mabubuting ginagawa” nila.—Mateo 5:16.

 

Si Brother Park Jae-hyuk habang nagpapaalam sa pamilya niya para gawin ang kaniyang alternatibong serbisyong pansibilyan

Si Brother Lee Sang-joon na nakahanda nang umalis at iwan ang pamilya niya (kaliwa). Si Brother Kim Yeong-hoon habang yakap ng mga magulang niya (kanan)

Si Brother Jeong Yeo-gyeom noong papaalis na siya