Pumunta sa nilalaman

ENERO 17, 2020
SOUTH KOREA

Inianunsiyo ng South Korea ang Espesyal na Amnestiya Para sa mga Tumangging Magsundalo Dahil sa Konsensiya

Inianunsiyo ng South Korea ang Espesyal na Amnestiya Para sa mga Tumangging Magsundalo Dahil sa Konsensiya

Noong Disyembre 31, 2019, inianunsiyo ng gobyerno ng South Korea na ang pinalayang 1,879 na tumangging magsundalo dahil sa kanilang konsensiya ay bibigyan ng espesyal na amnestiya. Hindi buburahin ang kanilang criminal record, pero aalisin ng gobyerno ang mga civil restriction sa kanila. Ang espesyal na amnestiyang ito ay resulta ng desisyon ng Constitutional Court at ng Korte Suprema noong 2018, na nagsasabing ang pagtangging magsundalo dahil sa konsensiya ay hindi isang krimen, kundi isang karapatan.

Sa Korea, pagkatapos mabilanggo ng isang tao, binibigyan siya ng gobyerno ng limang-taóng civil restriction. Dahil may criminal record ang mga tumatangging magsundalo dahil sa konsensiya, binigyan din ng civil restriction ang mga kapatid natin. Kaya hindi makapag-exam para sa mga national license ang mga kapatid at hindi sila makapasok sa ilang uri ng trabaho.

Sinabi ni Brother Hong Dae-il, mula sa Public Information Desk ng South Korea: “Nagpapasalamat kami sa gobyerno kasi inalis nila ang mga civil restriction. Simula na ito ng pagkilala nila na ang mga ibinilanggo dahil sa pagtangging magsundalo udyok ng konsensiya ay hindi mga kriminal.”

Habang hinihintay natin ang iba pang positibong desisyon ng gobyerno sa South Korea, niluluwalhati at pinaparangalan natin si Jehova, ang Tagapagbigay-Batas.—Apocalipsis 4:11.