ABRIL 1, 2024| UPDATED: HULYO 30, 2024
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG TATLONG KAPATID | “Mananatili Akong Tapat”
Noong Hulyo 30, 2024, hinatulan ng Nikolaevsk-on-Amur City Court of the Khabarovsk Territory sina Brother Igor Kletkin, Brother Nikolay Kononenko, at Sister Nadezhda Korobochko. Nakatanggap ng anim-na-taóng suspended prison sentence sina Igor at Nikolay. Nakatanggap naman si Nadezhda ng limang-taóng suspended prison sentence. Hindi sila makukulong sa ngayon.
Profile
Nagpapasalamat tayo kay Jehova sa pagmamahal, pangangalaga, at pagsuporta niya sa lahat ng nagtitiwala sa kaniya at nagsasabi: “Ikaw ang Diyos ko.”—Awit 31:14.
Time Line
Oktubre 11, 2021
Hinalughog ang mga bahay nina Igor at Nadezhda. Inilagay si Igor sa temporary detention center
Oktubre 12, 2021
Pinagtatanong si Nadezhda
Oktubre 13, 2021
Pinalaya si Igor mula sa temporary detention
Oktubre 14, 2021
Pinagbawalan sina Igor at Nadezhda na umalis ng kanilang lugar
Setyembre 27, 2022
Pinagbawalang umalis si Nikolay sa kanilang lugar
Enero 16, 2023
Nagsimula ang paglilitis