Pumunta sa nilalaman

Bagong mga remote translation office at tirahan sa Mexico. Kaliwa: Tzotzil; Kanan (itaas): Zapotec (Isthmus); Kanan (ibaba) Otomi (Mezquital Valley)

AGOSTO 31, 2022
MEXICO

May 25 Nang Remote Translation Office sa Central America

May 25 Nang Remote Translation Office sa Central America

Mula Enero hanggang Hulyo 2022, may limang bagong remote translation office (RTO) sa Mexico. Kaya mayroon na ngayong 25 RTO sa teritoryong sakop ng sangay sa Central America. Puwede na ngayong tumira ang mga translation team ng mga wikang Tarascan, Tzotzil, Zapotec (Isthmus), Otomi (Mezquital Valley), at Chol sa lugar kung saan sinasalita ng maraming tao ang mga wikang ito. Sa darating na mga buwan, 8 pang RTO ang bubuksan sa teritoryong sakop ng sangay sa Central America, at 34 pang RTO ang pinaplanong itayo.

Malaking tulong sa mga translator na tumira at magtrabaho sa lugar kung saan maraming tao ang nagsasalita ng kanilang wika. Sinabi ni Sister Marcela Hernández, isang translator sa wikang Tzotzil na nagtrabaho nang maraming taon sa tanggapang pansangay: “Noong nasa sangay pa ako, napansin kong komplikado ang mga salitang ginagamit ko. Pero ngayong naririnig ko na ang mga kapatid sa kongregasyon na nagsasalita at nangangaral, mas natural na ang translation ko.”

Humahanga ang mga tao sa komunidad sa mga pasilidad ng RTO dahil malinis ang mga ito at maganda. Kadalasan, humihinto ang mga tao kasi nagagandahan sila sa mga gusali, at kinukunan pa nga ito ng litrato. Isang babae na may maliit na tindahan sa tapat ng isang RTO ang hangang-hanga nang malaman niya kung ano ang ginagawa doon, kaya lagi na niyang winawalis ang sidewalk niya at nililinis ang tindahan niya. Sinabi niya, “Nasa kabilang kalye kasi ako ng isang gusali na inialay sa Diyos.”

Talagang pinagpapala ni Jehova ang pagtatayo ng mga RTO. Nagpapasalamat tayo sa kaniya sa patuloy na tagumpay ng ginagawa nating translation.—Awit 127:1.