DISYEMBRE 31, 2018
BRAZIL
Sunog sa Manaus, Brazil
Maaga noong Disyembre 18, nagkaroon ng sunog sa lunsod ng Manaus, Brazil, at di-bababa sa 600 bahay ang natupok. Kahit walang naiulat na nasawi, 4 na tao ang nasaktan at mahigit 2,000 ang lumikas.
Ayon sa report ng tanggapang pansangay sa Brazil, walang nasaktan o nasawing kapatid dahil sa sunog. Pero 10 bahay ng mga kapatid ang nasira, kaya 18 mamamahayag ang lumikas at tumira sa mga kamag-anak nilang di-Saksi. Sa pangangasiwa ng sangay, inilalaan ng isang Disaster Relief Committee ang pangangailangan ng mga mamamahayag na naapektuhan ng sunog.
Alam nating ang mga kapatid natin na naapektuhan ng sunog sa Brazil ay patuloy na magtitiwala kay Jehova, ang ating “ligtas na kanlungan sa panahon ng pagdurusa.”—Awit 9:9, 10.